Advertisers

Advertisers

Titser kulong sa pamamahiya sa estudyante

0 282

Advertisers

INARESTO ang isang guro sa kanyang bahay nang ireklamo ng magulang ng batang pinahiya nito sa Silay city nitong Huwebes.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa sa RA 7610 “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”, dinakip ang titser na si Maria Lourdes Panes, nagtuturo sa Silay South Elementary School.

Sa report ng Silay City Police Station, nag-ugat ang kaso ni Panes nang ireklamo ng magulang bata na pinahiya nito noong nakaraan taon. Hindi naman idinetalye kung saan at paano ipinahiya ng guro ang kanyang estudyante.



Nakakulong ngayon sa Silay City Police Station si Panes at pinahintulutan ng korte ng magpiyansa ng P80,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.