Advertisers

Advertisers

Therapist, 3 pa arestado sa droga

0 205

Advertisers

KALABOSO ang apat kabilang ang isang babaeng Therapist nang mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni Captain Elmer Antonio hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Quezon City Police District station 14 Holy Spirit ang mga dinakip na sina Jean Valerie Policarpio, alyas “Dre” 40, Therapist, biyuda, residente ng107 Interior3 Matandang Balara, QC; Jean Paul Cayanan, 42, driver, binata ng 761 Interior Matandang Balara, QC; Patrick Paolo Lopez, 34, driver, binata, ng 80 Saint Anthony Street, Brgy. Inarawan, Antipolo City; at Dennis Bote, 41, mechanic, may-asawa, ng 13 Sta Felicia Street, San Antonio Homes, Brgy. Culiat, QC.

Sinabi ni Cpl. George Rimorin investigator nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng Rosal Street, Pingkin 3 Brgy. Pasong Tamo, QC 12:30 ng madaling araw Pebrero 16, 2023.



Ayon sa ulat ng Holy Spirit police station, na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa isang alyas Dre (Jean Valerie Policarpio) nang makatanggap ng impormasyon sa pagkakasangkot ng nito sa ilegal na droga.

Nakuha mula sa mga suspek ang may pitong piraso ng heat sealed small transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.00.

Nakapiit ngayon ang mga suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Boy Celario)