Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ENGAGED na sina Catriona Gray at Sam Milby.
Ito ay ni-reveal ni 2018 Miss Universe sa kanyang Instagram account noong February 16.
“Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè (eeeeee),” saad ni Catriona sa kanyang caption.
Kapansin-pansin sa larawang ibinandera ni Catriona ang kanyang suot na engagement ring at ang nakasulat sa kanyang coffee na “future Mrs. Milby”.
Hindi naman nagpahuli si Sam at ibinahagi rin ang kaparehong larawan na may short pero ubod ng sweet na mensahe kay Catriona.
I (FinALLY) put a ring
on it! I love you my
forever koala… now my fiancé,” sabi ni Sam.
Makikita naman sa comment section na talagang masayang-masaya ang mga kaibigan nina Catriona at Sam sa bagong chapter na tatahakin nila nang magkasama.
“Omg!!! Congratulations @catriona_gray. Another crown from us @evapatalinjug I cannot! LOVELOVELOVE,” saad ni Samantha Bernardo.
Comment naman ni Katarina Rodriguez, “Wahhhh congrats!! I remember talking about this at the Mega event. So happy for you both!”
***
SA panayam ni Carla Abellana sa Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes ng hapon, kasama niya ang kanyang legal counsel na si Atty. Peter Sanchez upang magabayan siya at ang host na si Boy Abunda sa magiging takbo ng kanilang usapan.
Sa tanong ni Kuya Boy kay Carla kung ano ang mga dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Tom Rodriguez, ang sagot ni Carla”Napakadaming dahilan. Kung ililista po natin, medyo marami po yan. But basically, bottomline is… kumbaga, umabot na po sa breaking point, e. Kumbaga, sobra na po, parang ganun.
“So there was, still, disrespect, lying and all that. There was no change. Hindi po yon first time na nangyari sa amin, kung ano man po yung pinagdaanan namin.
“Pero ito po yung taken into a different level, mas extreme na po, mas malala. And you know, it came to a point na, parang, it’s too much already po.”
Saan sa palagay ni Carla siya nagkulang at saan siya sumobra?
“Siguro sobra pong magbigay na wala na pong natira sa sarili, parang ganun.
“Kulang, hindi ko po alam, siguro better kung yung isang tao po ang makakapagsagot nun.”
Kasi, as far as I know or as far as I am aware, naibigay ko naman po lahat and I really fought and, you know, gave everything my all po.
‘Yung sobra, sobra sa pagbigay, wala na pong natira for myself, self-respect.
“I should also forgive myself. I should also take care of myself. Yung ganung mga bagay na halos wala na pong natira para sa sarili,” aniya pa.