Advertisers
“How do you a problem like Maria?” ay isang awit sa musical play na “Sound of Music na may pagtatanghal muli sa atin sa Marso.
Pero mayroon din yan version sa NBA. Ang bida naman ay si Kyrie Irving na problema ng bawa’t koponan na kanyang mapuntahan.
Matapos magwagi sa liga noong 2016 sa Cleveland kakampi si LeBron James ay nagpa-trade si player.
Napunta sa Boston. Nang mapaso ang kontrata ay pumirma sa free agency sa Brooklyn dahil hindi nagustuhan ang treament kuno. Nang lumaon humiling na naman na ipagpalit siya. Not once but twice.
Dinala siya sa Dallas na kung saan ay 2W at 2L ang rekord ng Mavs sa kanyang pagdating. Hindi siya available sa huling sked kontra sa Denver dahil sa lower back tightness.
Bukod sa paulit-ulit niya na request na payagang mag-iba ng prangkisa ay suliranin din ng nilalaruan niya noong kasagsagan ng pandemya dahil ayaw niya pabakuna versus Covid 19. Hayung hindi siya tuloy nakalaro ng maraming laban.
Tapos may mga kontrobersyal pa siyang pahayag gaya ng antisemitism. Talagang iba ang attitude ng taong ito.
Akala niya ubod na siyang magaling na cager at superstar sa liga kaya malulusutan ang mga maling gawi.
Ayon kay Tata Selo ay aminado siyang mahusay sa basketball ang tubong Melbourne, Australia nguni’t yung iba na mas gifted sa anak nina Drederick at Elizabeth ay hindi naman kasing yabang.
Ewan daw ni Tatang kung magtagal sa Mavericks ito. Baka sa summer lang daw ay may bago na itong siyudad na kinakatawan.
Sabi niya magsisisi raw si Mark Cuban sa desisyong ito.Hay naku, Kyrie!
***
May tiket na si Pepeng Kirat sa Gilas vs Lebanon sa ika- 24 sa Philiipine Arena nguni’t nalulungkot siya na wala pala sa window na ito ang mga paborito niyang sina Kai Sotto at Japeth Aguilar. Sayang daw ang P1100 at malayong venue.
Talagang ganyan na posibleng hindi makasali ang ilang basketeer sa pool dahil sa injury o personal na bagay. Mahaba kasi ang qualifying round. Di bale, malamang kasama na sila sa aktuwal na torneo sa Agosto.
***
Hindi dapat mataas ang expectation ng mga taga-UST sa pagbabalik ni Pido Jarencio sa bench ng Growling Tigers.
Oo daw eka ni Ka Berong kahit pa pumayag ang SMC na sagutin ang gastos at parehong pangkat ng nagtagumpay sa sister school nilang Letran ang nasa likod ng Espana dribblers.
Tandaan daw na back to square one si Coach Pido. Nasa recruitment phase pa lang ngayon. Tapos ang swak sana magiging chemistry ng final composition. Eh mahigpit din ang kumpetensya mula sa pitong pang unibersidad sa UAAP lalo na sa UP, Ateneo, DLSU at NU. Maigi na binigyan sila ng tatlong taon na ibangon ang pamantasan sa liga.