Advertisers

Advertisers

Petecio, Paalam pangungunahan ang PH boxing team sa Bulgarian tilt

0 146

Advertisers

PANGUNGUNAHAN nina Tokyo Olympic silver medalist Carlo Paalam at Nesthy Petecio ang Philippine team na umalis Biyernes ng gabi, Pebrero 17, para sumabak sa 74th Strandja International Boxing Tournament.

Ang event, itinuturing na pinakamatandang boxing kumpitesyon sa Europe, ay inaasahang hahakot ng 470 atleta mula sa 42 bansa para makipagrambulan simula Pebrero 20 hanggang 26.

Si Paalam ay sasabak sa 54kg habang si Petecio ay kakasa sa 57kg.



Makakasama ni Paalam sa men’s division sina Marvin Tabano (51kg), Asian Elite Boxing Championship bronze medalist Junmilardo Ogayre (57kg), Paul Julyfer Gascon (60kg) at Southeast Asian Games bronze medalist James Palicte (63.5kg).

Sa female fighters maliban kay Petecio, ay makikita rin sina Cleo Tesara (48kg), Thailand Open silver medalist Aira Villegas (50kg), Tokyo Olympian at SEA Games silver medalist Irish Magno (52kg) at Maricel Dela Toree (54kg).

Ang mga coaches na kasama sa pangkat ay sina Don Abnett,Roel Velasco,Rey Galido at Mitchell Martinez.

Ang tournament ay itinuturing na isa sa maging training grounds nang Filipino pugs para sa parating na higher-level kumpetisyon gaya ng World Wome’s Boxing Championship na nakatakda sa Marso 15 hanggang 31 sa New Delhi,India at ang 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo 5 hanggang 17.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">