Advertisers

Advertisers

Mayor Honey: “12-17-anyos, magpa-booster kayo”!

0 177

Advertisers

NANAWAGAN si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga menor de edad na 12 hanggang 17-anyos na magpa-booster.

Ginawa ni Lacuna ang panawagan dahil kapuna-puna na sa records ng city government na habang may full vaccination na ang mga ito na umabot sa lagpas 147,000, ang mga tumanggap naman ng first booster shot ay nasa 13,000 lamang.

Sinabi pa ni Lacuna na habang nasa 120 percent ang first at second doses sa Maynila, “pero pagdating ng booster shots ay nangalahati na, lalo na sa second booster.”



Labis na ikinalungkot ng lady mayor ang maling akala na mga tao na kapag may first at second vaccinations ay sapat na.

“Me paniniwala ang iba na ok na ung first and second kasi fully vaccinated na
pero pag me planong mag-travel, kadalasan ay hinahanap ang booster,” sabi nito.

Binigyang diin ni Lacuna ang booster shots ay nilikha nang may sapat na dahilan at ito ay lubhang mahalaga para sa proteksyon at kaligtasan ng lahat kontra COVID-19 virus pati sa lahat ng variants nito.

Samantala, sinabi ng alkalde na ang positivity rate sa Maynila ay patuloy na bumababa.

Ang positivity rate ay base sa bilang ng mga taong nag-positive matapos sumailalim sa opisyal at confirmatory RT-PCR testing.



Ipinaliwanag pa ni Lacuna na habang nakakatuwa na ang kahulihulihang bilang ng positivity rate ay 1.92 percent lamang, hindi rin naman maikakaila na karamihan ng mga tao ngayon ay ‘di na nagpapa-RT-PCR testing.

Sa halip, ang mga ito ay nag-a-antigen test na lamang na puwedeng gawin sa loob ng bahay at nagse-self-medication nang hindi nagpapa-RT-PCR kapag sila ay nakaramdam ng mga sintomas, ayon pa kay Lacuna na isa ring doktor. (ANDI GARCIA)