Advertisers

Advertisers

Lilia Cruz panakip butas sa tinaguriang bigtime agri smuggler na si Michael Ma?

0 169

Advertisers

HINDI lang dapat si Lilia Cruz alyas Leah, Big Mama, Taba, ang ginigisa ng Kongreso sa agricultural smuggling. Dahil hindi lang naman siya ang tinaguriang smuggler ng mga produktong agrikultura sa bansa.

Opo! Sa mga nakaraang imbestigasyon ng Senado at House of Representatives tungkol sa agricultural smuggling, binanggit ang mga pangalan nina Michael Ma, Wilson Chua, Tommy Go, George Tan, Manuel Tan, David Tan, Gerry at Paul Teves, Lujene Ang, Andrew Chang, Beverly Peres, Aaron, Jun Diamante at Lucio Lim, pero si Lilia Cruz lang ang bukod tanging idiniin sa smuggling activities. Bakit?

Parang lumalabas dito na ginagawa lamang scapegoat si Lilia Cruz sa maling gawain ng iba partikular nung Michael Ma na kasosyo raw sa negosyo ng bayaw ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., sabi ng batikang kolumnista na si Ramon Tulfo at ng dating beternong brodkaster na si Jay Sonza sa kanilang post sa Facebook.



Hindi ba mas maganda kung si Michael Ma ay imbestigahan din ng House Committee on Agriculture and Food? Para malaman narin kung totoong kasosyo ng Intsik na ito sa pagpupuslit ng agricultural products ang younger brother ni First Lady Liza Araneta-Marcos na si Martin. Mismo!

Ipatawag din ang iba pang binanggit na smugglers, tanungin ang mga ito kung sino sinong mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BoC) ang kanilang mga kasabwat sa “economic sabotage”.

Dahil ang pag-import ng sobra sobrang agricultural products, na nakakaapekto sa ani ng ating mga magsasaka, ay hindi mangyayari kung walang permiso ng Department of Agriculture – Bureau of Plant and Industry (DA-BPI). Mismo!

Hindi rin basta makapagpupuslit ng kontrabando ang mga nabanggit na smugglers kung walang kasabwat sa BoC. Peks man!

Kaya nga binanggit ko sa kolum ko nitong Biyernes na malaking hamon sa bagong komisyoner ng Customs na si “Ben” Rubio itong mga nabanggit na smuggler.



Dahil 22 years na itong si Rubio sa BoC, ibig sabihin ay kilala niya nang lahat ng mga nagpapapalusot ng kontrabando sa pier at airport. Kabisado niya narin lahat ang diskarte ng mga smuggler. Mismo! Kaya ‘pag may nabalitaan pa tayong mga nakapuslit na kontrabando, isa lang ang iisipin ko, kasabwat narin si Rubio sa smuggling. That’s it!

Balikan natin si LiLia Cruz, lamang at solong idinidiin siya ng mga mambabatas sa smuggling ng sibuyas, bawang at iba pang agricultural products, kungsaan pati ang kaso niyang nakabinbin sa Sandiganbayan ay nakalkal, ibulgar niya na kung sino sinong mga opisyal ang mga kasabwat niya sa illegal activities, pangalan niya ang korap sa DA-BPI at BoC. Tingnan natin kung ano ang gagawin ni PBBM sa mga tiwali sa kanyang administrasyon.

Kung sabagay, walong buwan palang naman ang Marcos Jr administration. Ang kasong kinakalkal kay Lilia Cruz ay nangyari sa mga nakaraang administrasyon.

Teka, bakit nga ba tinulugan ng Sandiganbayan ang kaso ni Lilia Cruz? Hmmm… Justice delayed, justice denied!