Advertisers
HANGAD ni dating Presidente ngayo’y Senior Deputy Speaker at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang patas na hustisya, matapos mabiktima ng ‘political prosecution.’
Dahilan sa paghain nito ng House Resolution para depensahan si dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Sa pahayag ni Arroyo, nais niyang matiyak ang patas na hustisya para sa lahat, dahil minsan na siya nabiktima ng “unfair investigation at prosecution” noong administrasyong Aquino.
Pinangunahan ni Arroyo ang paghahain ng isang resolusyon na humihimok sa Kamara na depensahan si Duterte laban sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC ukol sa “crimes against humanity” dahil sa kontrobersiyal na giyera kontra iligal na droga.
Sa House Resolution 780, nakasaad na marapat na nagdeklara ng “unequivocal defense” ang Mababang Kapulungan bilang suporta kay dating Pres. Duterte.
Nasa 18 mambabatas ang nagkaisa para pigilan ang planong imbestigasyon laban kay dating Pangulong Duterte.
Kabilang sa mga kasama ni Arroyo sa resolusyon na ito sina Reps. Carmelo Lazatin, Jr., Aurelio Gonzales, Anna York Bondoc-Sagum, Jose Alvarez, Mary Mitzi Cajayon-Uy, Richard Gomez, Wilton Kho, Loreto Amante, Edward Hagedorn, Edwin Olivarez, Eric Martinez, Eduardo Rama, Jr., Dale Corvera, Zaldy Villa, Ma. Rene Ann Lourdes Matibag, Mohamad Khalid Dimaporo, Johnny Pimentel at Marilyn Primicias-Agabas.