Advertisers
Patay ang 45 anyos na lalaking may-ari ng junk shop nang mabigti sa puwesto nito sa Juan Luna Street, Gagalangin, Tondo, Manila, Martes ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si alyas ‘Richard’, may asawa at residente ng Sawata Street, Area 1, Maypajo, Caloocan City.
Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, Hepe ng Manila Police District- Homicide Section, 2:15 ng madaling araw, nang madiskubre ng isang ‘Edison’, helper ng junk shop ang kanyang amo na nakabigti ng kulay brown na nylon cord at nakasabit sa kisame.
Kaagad na humingi ng tulong si Edison sa mga tambay sa lugar at mapabilis na isinugod sa malapit na ospital.
Sa report, 2:40 ng hapon nang ideklarang patay ang biktima ni Dr. Joseph Choi, attending physician.
Ayon kay Det. Sir Christian Joseph Pineda, may hawak ng kaso, na masyado umano nitong dinibdib ang sakit nito sa puso, nang magpasuri ito may ilang linggo na ang nakakalipas.
Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang alamin kung may naganap na foul play sa natu-rang insidente. (Joseph Elias Bontogon – OJT)