Advertisers

Advertisers

Jeep nakasalubong ang pukyutan, tumagilid: 27 sugatan

0 233

Advertisers

SUGATAN ang 27 katao nang tumagilid ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeepney sa Can-eo, Bontoc.

Ayon sa datos ng Bontoc Emergency Operations Center, kabilang sa mga nasugatan ang 26 pasahero at ang driver ng jeep.

Sa pahayag ni Clarence Ing-inga, 22 anyos, driver, may nakasalubong silang kumpol ng pukyutan o bubuyog habang paakyat sa Chokros-Caneo road patungo sa Poblacion, Bontoc.



Tinangka ng driver na iwasan ang napakaraming bubuyog pero nawalan ito ng kontrol at nawalan ng preno dahilan para tumagilid ang sasakyan.

Apat sa mga nasugatang pasahero ang kinailangang dalhin sa Bontoc General Hospital.

Ang iba namang nasugatan ay nilapatan ng lunas sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.