Advertisers
BANGKAY na nang matagpuan ng mga staff ng lodge ang isang nakla nang pagsasaksakin ng karelasyon habang naka-check-in sa Barangay Cawit, Taal, Batangas, Linggo ng gabi.
Kinilala ng Taal Municipal Police Station ang biktima na si lvin Aldover, 26 anyos, ng Tierra Berde Subd., Pallocan Kanluran, Batangas City.
Naaresto naman ang salarin na kinilalang si Arnel Jarenu, 31, ng Sto. Niño, Ibaan, Batangas.
Ayon sa ulat, nag check-in ang dalawa noong Linggo 6:40 ng gabi sa Room 7 ng Catherine Lodge Hotel sa nabanggit na barangay.
Bandang 8:30 ng gabi nang mag-away ang dalawa sa hindi nalamang dahilan at nauwi sa pananaksak.
Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima, habang nagkaroon din ng sugat si Tejada.
Tinangka pang tumakas ni Tejada nguni’t naabutan ito ng rumesponding mga pulis.
Narekober sa labas ng kuwarto ang kulay orange na Mitsubishi Strada ng biktima, habang sa loob ng kuwarto nakuha ang isang unit ng iPhone, relo, calculator, 2 piraso na gold necklace, isang gold bracelet, 2 wallet na laman ang mga ID, 2 notebook, isang itim na bag at perang 22,000 pesos.
Napag-alaman na dalawang taon nang magkarelasyon ang dalawa.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.