Advertisers

Advertisers

Apartment sinunog ng senglot

0 211

Advertisers

NAHAHARAP sa kasong arson ang isang lalaki nang sunugin ang isang boarding house sa Purok Emelda Barangay Sta. Monica sa Puerto Princesa City nitong Martes ng madaling araw.

Ayon kay SFO1 Mark Anthony Llacuna, kinilala ang suspek na si John Dave Diaz Gudoy, 21 anyos, tenant sa sinunog nitong boarding house/apartment.

Sa report, lasing ang suspek at may nakarinig pa sa kanya na nagbanta na susunugin nito ang gusali.



Nagbabago raw ng ugali ng suspek oras na nalalasing ito.

Ayon sa ulat, sinilaban nito ang tela na nakalagay sa ibabaw ng washing machine na mabilis kumalat sa semi- concrete na gusali kungsaan natupok ang apat na kwarto.

Nahuli ng pulisya ang suspek sa Hagedorn Road sa Barangay San Pedro dito sa lungsod.