Advertisers

Advertisers

3 Sabungero sinalpok ng kotse: 1 patay

0 131

Advertisers

HINDI na nakarating sa sabungan ang tatlong sabongero na ikinasawi ng isa habang malubhang nasugatan ang dalawa nang mabangga ang sinasakyan nilang motorsiklo ng Tamaraw FX noong Linggo, Pebrero 5, sa Laoang, Northern Samar.

Kinilala ang nasawi na si Anthony Capacio, 34 anyos; habang nilapatan ng lunas sa ospital ang dalawang kasama na sina Mark John Capacio, 28; at Apronio Beconio, 54, lahat residente sa Brgy. EJ Dulay, Laoang City.

Hawak na ng pulisya ang driver ng Tamaraw FX Revo na kinilalang si Engr. Herlito Fua Duritan, 65.



Sa report ng Laoang Municipal Police Station, 12:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Maharlika hi-way, Barangay La Perla ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, sakay ang mga biktima ng motorsiklo na minamaneho ni Anthony patungong Pambujan Cockpit Arena para sana magsabong.

Habang binabaybay ang nasabing kalsada biglang nag-u-turn si Duritan dahilan para mahagip nito ang motorsiklo ng mga biktima.

Sa lakas ng pagkabangga tumilapon ang mga biktima sa kalsada at kanal sa gilid ng kalsada.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries and damage to property si Duritan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">