Advertisers

Advertisers

3 katao brutal na pinatay sa away sa lupa

0 213

Advertisers

BRUTAL na pinatay ang tatlo katao sa away sa lupa sa Candoni, Negros Occidental.

Kinilala ang mga biktima na sina Edmund Castro, 45 anyos; anak na 10 anyos; at Analie Emaray, 44, pawang residente sa Sitio Buyong, Barangay Haba, Candoni.

Ayon sa ulat, tadtad ng tama ng bala ang katawan ni Castro, samantalang may taga sa ulo at leeg ang kanyang anak. At binaril sa mukha si Emaray.



Sinabi ni Candoni Police commander Major Ruel Culanag na 10:30 ng umaga noong Sabado nang marinig ng mga residente ang mga putok ng baril mula sa lugar ng mga biktima.

Kumbinsido ang pulisya na away sa lupa ang ugat ng krimen.

Hindi pa natutukoy ang mga salarin pero may tinitingnan nang mga person of interest ang mga awtoridad.