Advertisers
NANATILI parin bilang Pangulo ng Lakas-CMD party si House Speaker Martin Romualdez at si Vice President Sara Duterte bilang chairperson ng partido, matapos nagbotohan ng mga bagong opisyal.
Sa isinagawang pulong ng Lakas-CMD executive committee at national advisory council noong Pebrero 3, 2023, inaprubahan ang Resolution No. 1 series of 2023 sa pangunguna ni Speaker Romualdez na siya pa ring party president at Vice-President Sara Duterte ang nananatiling chairperson ng partido.
Naniniwala si Speaker Romualdez na sa bagong mga lider ng Lakas-CMD ay lalo pang lalakas ang suporta ng partido sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa kanyang Agenda for Prosperity at socio-economic roadmap.
Kabilang sa iba pang nahalal na opisyal ng partido sina dating pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo bilang chairperson emeritus, former Speaker Jose de Venecia Jr. bilang co-chairperson emeritus, Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. bilang co-chairperson, Capiz Governor Fredenil Castro bilang vice chairperson, at House Majority Leader Mannix Dalipe bilang executive vice president.
Si Agusan del Norte Representative Jose Aquino ll naman ang itinalagang secretary general habang si Quezon Representative David Suarez ang magsisilbing treasurer.
Sa kasalukuyan mayroong 68 na miyembro ang Lakas-CMD sa Kamara. Ito ay bukod pa sa daang mga governors, city at town mayors, provincial board and city and municipal council members at iba pang local officials.
Bumuo rin ng national advisory council ang partido para suportahan ang executive committee.
Ang mga miyembro ng advisory council ay sina dating executive secretary Eduardo Ermita, dating secretaries Gabriel Claudio at Nasser Pangandaman Sr, at Agriculture Undersecretary Zamzamin Pamintuan.