Advertisers

Advertisers

Sibuyas bayad sa produkto, patok sa Kyusi

0 142

Advertisers

PUMATOK at maagang pinilahan ng mga mamimili ang isang Japanese store na tumatanggap ng sibuyas bilang pambayad sa kanilang mga produkto sa Panay Avenue, Quezon City.

Ayon kay Misty Gamboa, Marketing Officer ng nasabing tindahan, sa isang piraso ng sibuyas, maaari nang makabili ng kanilang mga paninda basta hindi lalagpas ang halaga sa P88.

Gayunman, hanggang tatlong item lang ang pwedeng bilhin ng bawat customer, o hanggang tatlong sibuyas lang ang maaari nilang dalhin sa tindahan.



Sinulit ng mga mamimili ang promo, at ilang bata pa ang maagang pumila para makabili sa tindahan sa pamamagitan ng mga dala nilang sibuyas.

Ayon kay Gamboa, layon ng kanilang promo na makalikom ng mga sibuyas para ma-i-donate sa kanilang community pantry.