Advertisers

Advertisers

Pagpapasigla sa sektor ng pagmimina prayoridad ng Marcos admin

0 192

Advertisers

KINUMPIRMA ni National Economic Development Administration Socioeconomic Planning Undersecretary Rosemarie Edillon na prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapasigla sa sektor ng pagmimina, lalo na ang rehabilitasyon ng mga mined-out area.

Ayon kay Edillon, nakapaloob ito sa inilunsad na Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

Paliwanag ni Edillon na nais ng gobyerno na mai-revive ang mining sector at magsisilbi itong suporta sa proyektong renewable energy.



Maglalaan ng pondo ang ahensiya para sa rehabilitasyon lalo na “mined-out” na ang isang lugar.

Sinabi pa ng opisyal na yung mga electric vehicles na nais magkaroon ng battery energy storage system na malaki ang component sa nickel.

Pahayag pa nito na maraming nickel sa bansa at hindi na kailangan pa mag-angkat sa ibang bansa.

Bahagi rin ang pagtutok sa mining fiscal regime at ang pagtatama sa mga maling mining practices sa pag-aayos sa mining industry. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">