Advertisers

Advertisers

Mga labi ni Jullebee Ranara, nailibing na

0 196

Advertisers

INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang labi ni Jullebee Ranara, Overseas Filipino Worker na pinatay sa Kuwait.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), alas-9:00 nitong Linggo ng umaga inilibing ang labi ni Jullebee sa Golden Heaven Cemetery sa Las Piñas.

Noong Sabado ang huling lamay ng Pinay OFW sa Casimiro. J. Aguilar Avenue corner Alabang-Zapote Road, Las Piñas.



Bukod kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., maraming matataas na opisyal ng gobyerno ang personal na nakiramay sa pamilyang naulila ni Ranara.