Advertisers
Ni BETH GELENA
SA Instagram account ni Bea Alonzo, may posted note siya nu’ng nag-guest siya sa Pepito Manaloto ni Michael V.
Sey ng Kapuso actress: “Nakilala ko na sa l personal si Bitoy! When I guested on bubble gang last year, thought I would have the privilege to do a skit with him, pero hindi pala, dahil ngayon pala ang perfect time para dun. I did a guesting on Pepito Manaloto (12 -year-old show! Wow!) at kinilig ako, dahil nakagawa na ako ng eksena with the iconic Michael V I remember growing up; pinanonood ko ang mga parodies at pagtatagalog ng western songs! At naalala nyo ba si Yaya at Angelina #Batang 90s what’s your favorite Michael V. skit?”
Komento ng netizens “Ako lang ba ang natutuwa sa Pepito Manaloto? ?????? minsan corny pero ang light lng kasi ng show ang good vibes lang”
“Baks, marami ang natutuwa sa Pepito Manaloto maging mga Gen Zs. Trending yan sa tiktok. Ang hindi ko bet Daddy’s Gurl na puro hubaran ang mga lalaki at Happy ToGether na 90s pa ang mga jokes.”
“You’re not alone count me in. My family loves the show and we watch it every saturday. Comedy is very natural it is not pushy.”
***
NAGTATANONG ang faneys ni
Bela Padilla kung ano ba ang pinagkakaabalahan ng actress sa London, UK mula nang lumipat siya doon since 2021.
Bumabalik na lang kasi ang aktres dito sa Pinas kapag kinakailangan siya sa proyektong ginagawa.
Aside sa pagiging aktres kasi ay screenwriter din siya and later on ay pinasok na rin ang pagiging direktor.
Ang paglipad ni Bea sa London ay para raw to live her life dahil 15 years siyang nagtatrabaho sa showbiz.
Kinakailangan din daw niyang magpahinga paminsan minsan na malayo sa showbiz.
“Live my life,” aniya.
Sa London, napakasimple lang daw ng buhay.
Nagbibisekkta sa umaga para bumili ng tinapay sa paborito niyang bakery doon.
Parte na raw iyun ng simple niyang buhay sa London at regular activities na rin.
Nag-eenjoy daw siya sa buhay niya doon although in most of her days, she delivers work for her projects in the Philippines, such as writing scripts.
***
MAY usap-usapan na titigil na raw si Isko Moreno sa pulitika.
Hindi na raw babalik sa pulitika si Yorme, ang dating alkalde ng Maynila.
Ayon kay Isko, masaya siya ngayon na mas maraming oras ang nailalaan sa kanyang pamilya
Naging mariin na ang pagtanggi ni Isko nang matanong siya sa isang interbyu kung sasabak ba siyang muli pagdating ng halalan.
Aniya, “No, Retired na ako,” sagot ni Isko.
“Well as far as I’m concerned, I’m happy now. I’m enjoying life. Salamat sa Diyos binigyan ako ng second chance to be with my kids, with my family. More time with my family,” aniya.
Kapag nga nasa bahay sila ng kanyang buong pamilya, never na raw nilang napag-uusapan ang pulitika. “‘Pag sa bahay, generally walang conversation na ngayon about politics,” aniya.
Ang pinagkakaabalahan ngayon ni Isko ay ang pagiging isang content creator.
Tutok din siya sa kanyang programang ‘Iskovery night’ sa ilalim ng kanyang production na Scott media.
Ilan sa mga naging panauhin na niya sa kanyang programa ay sina Coco Martin, Vice Ganda at Angeline Quinto na pawang tubong Maynila tulad ni Yorme.