Advertisers
ARESTADO ang isang babae sa pagkuha ng halos P25 milyon mula sa mga lalaking nakausap sa isang dating app. sa Taguig City.
Kinilala ang inaresto na si Mikaela Veronica Cabrera, 26 anyos, nakatira sa isang condominium sa Bonifacio Global City.
Sa ulat, umabot sa walong kalalakihan ang dumating sa prisinto at nagpakilalang nabiktima ni Cabrera.
Ayon sa report, ipinalabas ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Clemente Mogueis Clemente ng Makati Municipal Trial Court (MTC) Branch 127 base sa criminal case na isinumite laban kay Cabrera sa paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22, mas kilala bilang ‘Bouncing Checks Law’.
Sa report, nagpapakila si Cabrera bilang founder ng AUMA Fashion Styling Firm. Gumawa rin ito ng mga maling salaysay tungkol sa kanyang bagsak na negosyo para kumbinsihin ang kanyang mga nakikilala sa dating apps na pautangin siya ng malaking halaga ng pera. Ngunit sa halip na bayaran ang inutang nito, bigla nalang nawala at hindi na mahagilap.
Natuklasan ng isang ahente ng real estate ang pagkakilanlan ni Cabrera habang sinusubukang isara ang isang deal na kanyang pag-aari. Sinubukan ni Cabrera na magbayad gamit ang isang tseke na nauwi sa isang talbog na tseke. Ito ang nagbunsod sa ahente na gumawa ng background check kay Cabrera at natuklasan sa Facebook page na pinamagatang “Mikaela Veronica Sese Cabrera A Scammer”, na pinamahalaan ng isa sa kanyang mga biktima.
Ipinaalam ng biktima sa ahente na may utang si Cabrera sa kanila ng P10 milyon at P6 milyon sa isa pang tao.
Nakipagtulungan ang ahente sa mga biktima at sa mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation ng Taguig City Police at naaresto si Cabrera habang papunta sa condominium.