Advertisers

Advertisers

Hoarders ng sibuyas, ipaaaresto – Spkr. Romualdez

0 169

Advertisers

BILANG na ang araw ng mga mapagsamantalang traders at hoarders ng bawang at sibuyas sa bansa.
Ito ang mahigpit na babala ni House Speaker Martin Romualdez na aniya’y kanyang ipaaaresto ang mga abusadong smugglers ng sibuyas at bawang na posibleng nasa likod nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga agricultural products sa merkado.

Diin ng House Speaker, na nakatanggap sila ng impormasyon na sadya umanong itinatago sa mga bodega ang mga bawang at sibuyas ng mapagsamantalang negosyante sa layuning palabasin nila na may artipisyal na kakapusan ng suplay ng nasabing produkto upang magkaroon sila ng dahilan para itaas ang presyo nito.

Ikinatwiran pa ng mambabatas na sa kabila ng kasalukuyang panahon ng tag-ani at kasabay ng pagpasok ng mga imported na sibuyas, nananatili namang mataas ang retail price ng nasabing produkto.



Dahil dito, inatasan agad ni Speaker Romualdez ang House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng puspusang imbestigasyon at kung sakaling makakalap ng mga ebidensya ay agad na sampahan ng kaukulang kasong kriminal laban sa mga taong nasa likod ng iligal na aktibidad.

Ayon kay House Speaker, ito ay maituturing na economic sabotage.

Ipinunto ng opisyal, pag-aaralan ng House panel ang opsyon upang irekomenda sa Pangulo ang calibrated importation ng bawang at sibuyas upang sa ganoon ay mapilitang ilabas ng mga mapagsamantalang negosyante ang kanilang stocks at maipababa rin ang presyo nito bukod pa na mabawasan din ang pahirap sa mga mamimili. (Henry Padilla)