Advertisers

Advertisers

Ex-BIR employee kulong sa kotong

0 201

Advertisers

SWAK sa kulungan ang isang dating opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa entrapment operation matapos ireklamo ng pangongotong ng ilang kompanya sa Bulacan.

Kinilala ni NBI Central Luzon Assistant Regional Director Noel Bocaling ang nadakip na si Enrico Adriano.

Sa ulat, nakuha kay Adriano ang P2 milyong marked money at cellphone na maaaring gamitin bilang ebidensya sa mga nilalamang mensahe sa kanyang mga biktima.



Ayon kay Bocaling, nagpapakilala parin si Adriano bilang BIR Central Investigation Division member kahit wala na sa pwesto sa mga kompanya para mag-asikaso ng kanilang mga tax deficiency kapalit ng malaking bayad.

Nakakulong ngayon sa NBI Bulacansi Adriano at nahaharap sa reklamong large-scale Estafa.

Pinayuhan naman ni Bocaling ang iba pang nabiktima ni Adriano na maaari silang pumunta sa NBI Central Luzon Regional Office upang magsampa ng kanilang mga reklamo.