Advertisers

Advertisers

ENGR. PATAY SA AMBUSH

0 174

Advertisers

NASAWI ang isang engineer nang pagbabarilin sa Barangay Guimod Norte, San Juan, Ilocos Sur, Sabado ng gabi, Pebrero 4.

Kinilala ng San Juan Municipal Police Station ang biktima na si Ronald Pano, 54 anyos, may asawa, ng Brgy. Pandayan ng naturang bayan.

Bukod sa pagiging engineer, isa rin negosyante ang biktima.



Sa report na inilabas ng San Juan MPS, nakasakay ang biktima sa kanyang Ford Everest at papunta sa kanilang resort sa Brgy. Guimod Norte nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng San Juan MPS sa krimen.