Advertisers
IBINAON sa lupa sa compound ng research center ng Department of Agriculture (DA) sa Zamboanga City nitong Sabado, Pebrero 4, ang mahigit 11,000 sako ng sibuyas.
Sa ulat, nasamsam ang mga sibuyas na ito sa tatlong magkakasunod na operasyon ng mga awtoridad sa mga iligal na produktong ipinapasok sa lungsod.
Sabini Florelei Mariano, quarantine officer ng Bureau of Plant Industry, ayon sa batas kinakailangan na agad sirain o ibalik sa lugar na pinanggalingan ng kontrabando ang mga nasasamsam na agricultural products.
Dahil sa dami ng mga nasabat na sibuyas, wala aniyang kakayahan ang BPI sa Zamboanga na suriin pa ito upang matiyak kung mataas ba ang pesticide content nito, dahilan para hindi rin ito maaaring ibenta sa publiko.
Dagdag ni Mariano, posibleng may dala ring ibang sakit ang mga sibuyas na ito na posibleng magdulot ng peste sa iba pang agriculture products sa lungsod.