Advertisers
NASILO ng Pilipinas ang kanilang ikatlong dikit na tagumpay Miyerkules para makisosyo sa liderato sa nagpapatuloy na 1st Chess Olympiad para sa People with Disabilities sa Belgrade,Serbia.
Pinangunahan ni FIDE Master Sander Severino, ang Pilipinas ay dinaig ang Serbia, 2,3.5-0.5 upang mapanateli na mapabilang sa India at poland sa tuktuk ng standingsna may anim na puntos.
Naitala ni Severino ang unang puntos ng idispatsa si Mile Bjelanovic sa 44 moves ng Caro Kann defense.
National Master (NM) Henry Roger Lopez at Stefan Mitrovic split the points sa board two matapos ang 42 moves ng Old Indin Defense.
Playing-coach ,NM James Infiesto nilampaso si Luka Bulatovic sa 57 moves ng Bishop Opening habang si Darry Bernardo nilupig si Vladan Petrovic sa 42 moves ng Caro Kann defense para makumpleto ang tagumpay ng Filipino sa tournament na ginanap sa Crown Plaza Hotel.
Sa ibang resulta, India winasiwas ang Israel,3-1,habang ang Poland pinatumba ang FIDE,3.5-0.5 upang manateling perfect matapos ang 3 rounds.