Advertisers

Advertisers

Personnel sa BI Warden facility, pinalitan

0 164

Advertisers

Pinalitan na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga nakatalagang tauhan ng Warden Facility nito kasunod ng pagkaka- diskubreng anim na cellphone sa naka-detineng Japanese national na.pinaghihinalaang mastermind ng robbery gang sa Japan.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na una nang pinamo-monitor at istriktong ipinagbabawal ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang paggamit ng cellphone sa detention facility ng mga dayuhan.

“Because if [it’s] this massive then definitely po there must be something going on. So napalitan po ang head and all the people po inside the facility pinagpapalitan po natin ‘yan ng mga bago po na mga empleyado natin,” ani Sandoval.



Sinabi ni Sandoval na hindi pinapayagan ni Immigration Commissioner Norman Tansingco,ang paggamit ng.cellphone sa nasabing pasilidad.

“Yes, ang paggamit po ng gadget sa warden facility natin pinapayagan po with prior approval ng commissioner. So kailangan po may authorization muna ng commissioner and may schedule po ‘yan,” dagdag ni Sandoval.

Napag-alaman na wala pang pinipirmahan si Tansingco na anumang request para sa.paggamit ng mga gadgets at binisita ngayong araw (Biyernes) ni Tansingco ang pasilidad para inspeksiyunin kung kinakailangan na magkaroon ng improvements. (JERRY S. TAN)