Advertisers
NAPILITANG maghanap ng makakalaban si Filipino boxer Nonito Donaire Jr matapos na umatras ang makakatunggali nitong si Jason Moloney.
Paglalabanan sana ng dalawa ang binakanteng WBC bantamweight crown ni Japanes Naoya Inoue na umakyat ng super bantamweight class.
Sinabi ni WBC president Mauricio Sulaiman, na sumulat sa kanila si Moloney at nagpahayag na hindi na ito interesado sa laban nila.
Sa kampo naman ni Donaire ay walang magiging problema ito sa kaniya dahil handa niyang harapin ang sinumang mapiling iharap sa kaniya.