‘Maynilove’ bukas uli sa publiko – Mayor Honey
Advertisers
ISANG Valentines day offering para sa mga kaibigan, pamilya at magsing-irog na naghahanap ng walang gaanong gastusin sa pagdiriwang ng love month ang bubuksang muli sa publiko, partikular sa mga Manileño ni Mayor Honey Lacuna.
Nakatakdang pangunahan ni Lacuna ang grand opening ng “MayniLove” sa February 6 ganap na 5:30 p.m. sa Mehan Garden, Ermita, Manila.
Ang proyekto ay handog ng lungsod sa pamamagitan ng Bureau of Permits sa pamumuno ni Levi Facundo pati na ang local economic development and investment promotions office.
Nabatid na ang venue ay magbubukas mula February 3 hanggang 17, 2023 at magsisimula ganap na 4 p.m. hanggang 11 p.m.
Sinabi ni Facundo na ang admission ay libre at ang lahat ng mga bibisita ay maaaring mag-enjoy ng fine dining experience sa murang halaga. Mayroon ding daily entertainment; ‘Wish 107.5 bus’ sa Feb 3, 6 at 10 na may live performances; food at gift items; flowers; chocolates; stuff toys; photo booths at daily giveaways.
“We also have “Puppy Love” for dog lovers and play pen for their fur babies plus more surprises from our partners,” sabi ni Facundo.
Nabatid pa kay Facundo na ang mga dog owners ay maaaring magdala ng kanilang mga alaga, pero kailangang naka-diaper ang mga ito. Maari din naman nilang iwan ang kanilang mga alaga sa play pen ng libre, habang sila ay nag-iikot sa loob ng venue. Maaari ding tumingin at bumili ng tuta sa Maynilove.
Mayroon ding naghihintay na mga sorpresang regalo sa mga sweet couples na mapipili kapag sila ay nakunan ng litrato.
Mayroon ding mga booths na nagtitinda ng mga street food sa loob ng venue, kasama ang mg live performers at Instagrammable spots. (ANDI GARCIA)