Advertisers
Parang bangkang walang katig sa gitna ng laot kung ikumpara ang klase ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ngayon.
Ang mas masakit pa,karamihan sa mga taong sumuporta sa kanya nito lamang Mayo 2022 ay siyang mga nangunguna sa pagsasabi nito.
Hindi na kailangan pang marinig ang tinig ng kampo ng Pinklawan o ng opisisyon na nakatunggali ni BBM ng nagdaang halalan.
Mismong ang kapatid nito na si Senator Imee Marcos ang nasa forefront ng mga kritikong pumupuna sa mga palpak na desisyon ng naka-upong Pangulo.
Mula sa mga kuwestiyonableng appointments nito sa mga sensitibong posisyon sa gobyerno hanggang sa pagsabit sa kanyang mismong bayaw na si Martin Araneta sa isyu ng talamak na SMUGGLING ng mga agri products gaya ng sibuyas,asukal, bigas at kung anu- ano pa.
Nangyari ito habang si BBM ang mismong umaaktong Kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Kasama pa naman sa campaign promises ni BBM noon ay ang tungkol sa food security ng mga Pilipino.
Hinding- hindi makakalimutan ng sambayanan ay ang pangakong pagpapababa sa presyo ng kada kilo ng bigas sa bente pesos (P20).
Napako at nalimot na ang pangako,mas lumala pa àng sitwasyon.
Dito na nag-umulol sa galit si Manang Imee Marcos, ang ate nang nakaupong Presidente.
Feeling niya,di na nito kayang humarap pa sa madlang Pilipino dahil sa hiya sa mga kapalpakang pinaggagagawa ng kanyang Presidenteng kapatid.
Worst,napahiya pa si Sen.Imee sa pamilya Duterte partikular na kay Bise Presidente Sara Duterte na harapang sinuway ang kanyang amang si FPRRD para lang sumuporta sa presidential bid ni BBM.
Sa mga grupong nagpapakita ng malaking disgusto at pagkadismaya sa uri ng leadership style ni Bongbong Marcos,nakakalungkot na malaking bahagi nito ay mula sa mismong kampo ng mga Marcos loyalists at supporters.
Ibig sabigin,nag self- destruct ang Pangulong Marcos Jr. sa loob ng napakaikling panahon.
Self inflicted damages sa kanyang kakayahan at tunay na pagkatao.
Ang dali namang nagpakilala ng tunay na kulay nitong si Bongbong!
Lumabas tuloy ang katotohanang isa itong “weak leader” na una nang isinatinig ni FPRRD.
Magaling lamang ito sa mga speeches at sadyang walang binatbat bilang isang maaasahang lider ng bansa.
Maging si dating Unang Ginang Imelda Marcos ay hindi visible o napagkikita sa mga aktibidad ni BBM at ng Palasyo ng Malacanang.
Isang indikasyong may seryosong problema sa inner circle ng Pangulong Bongbong Marcos.
Sa pamilya nito at sa kanyang asawang si Liza.
Isang indikasyong durog na ang dating moog na estado ng UNITEAM.
Wala na ang dating init ng tiwala at pagkakaisa ng dating solidong grupo.
Baka nalilimutan ng mga taong nakapaligid ngayon kay BBM na dati silang kawawang talunan kay VP Leni Robredo bago pa sila madikit at maging kaalyado ng mga Duterte at ni Inday Sara.
Real talk lang tayo,ang mga Marcos ang paro’t parito ng Davao para manglimos ng suporta at batid ‘yan ng bawat Pilipino.
Masakit mang aminin at alam na alam ito ni Sen. Imee Marcos, si Sara Duterte lang ang nagdala kay BBM para manalo bilang presidente.
A fact that FL Liza Araneta Marcos refuses to accept!
Kung umabot man ng isang taon ang pagiging Presidente ni BBM,masuwerte na ito at dapat magpasalamat.
Gaya ng ating unang tinuran,parang bangkang walang katig ang liderato ng Marcos government na sadyang walang tibay pagdating ng matinding unos sa karagatan.
Hangga’t di gumawa ng mga remedyo at mga pag-amin sa pagkakamali at pang- aabuso sa kapangyarihan, this current administration is doom to end.
Mark this as a friendly warning.
Truly indeed,behind every downfall of a man, there is a woman.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com