Advertisers

Advertisers

LAHAT NA LANG NEGOSYO SA BILIBID

0 184

Advertisers

HINDI ba’t itinaas na ang sahod ng mga unipormadong kawani ng pamahalaan? Mula sundalo, kapulisan at maging mga bumbero at mga jail guards? Bakit maugong ngayon ang bagong raket sa Bilibid?

Umusok ito nang ipahayag noong nakaraang linggo ni Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. na may mahigit P300,000 cash silang nadiskubre mula mismo sa mga bantay ng Bilibid.

Sabi ni Catapang, ang pera ay mga patago raw ng mga bilanggo sa kanilang mga taga-bantay. May kakaiba na palang banko sa loob ng Bilibid.



Nadiskubre ni Catapang na ang mga patagong pera ng mga bilanggo ay kadalasang galing sa mga kamag-anak ng mga nakakulong, na ipinadadala sa pamamagitan ng electronic wallet gaya ng g-cash, pay-maya etc.

Ang masaklap dito, may binabawas na charges ang mga bantay na tumatanggap ng padalang pera para sa mga bilanggo. Bilang kabayaran, ibinabawas ng mga taga-bantay ng mga preso ang sampu hanggang dose porsiyento (10-12%) na halaga ng padala, at kung minsan ay 20 percent pa nga ang kaltas.

Kaya sa ipinadalang isang libo (1k) halimbawa, ay may kaltas na P100 o kaya’y P200. Ilagay natin sa nakumpiskang P300,000, ang 10 percent nito ay trenta mil (P30k) at kung 20% ang kaltas, ito ay P60k.

Ibig sabihin ay pinagkakakitaan ito ng mga bantay ng BuCor. Ayaw ni Catapang nito dahil agrabiyado rito ang kanyang mga preso.

Anuman ang paggagamitan ng mga perang padala para sa mga preso, para kay Catapang, ay di dapat sinasamantala ito ng kanyang mga taga-bantay sa mga preso.



Iba talaga diyan sa Bilibid. Lahat ay nagagawang pagkakitaan. Magagaling palang mga negosyante itong mga taga-bantay preso sa BuCor.

Noon pa natin naibulgar ang mga iligal na negosyo diyan sa Bilibid. Mula sa limang daan (P500) hanggang isang libong piso (1k) na ‘lagay-sa- bantay’, ang isang bilanggo ay maaari nang magkaroon ng ordinaryong cellfone o kaya naman ay telebisyon.

Ang pagpa-process ng ‘release paper’ ay may katumbas na P50,000. Bukod pa yan, sa kagustuhang magpasok ng babae ang isang preso. Iba rin ang presyo kung gusto ng isang preso na magpatakbo ng sugalan sa loob.

Ang alak, sigarilyo at droga ay kaya rin, mabilis sa halagang magsisimula sa isang libo (P1k). Kayo talagang mga bantay diyan sa Bilibid, kaya pala hayahay ang inyong mga buhay, iba’t ibang hanapbuhay ang meron pa kayo!