Advertisers

Advertisers

Sunshine napikon sa bashers; Charles ng Marikit, trip makatrabaho si Daniel

0 165

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NOONG 2021 ay nag-decide si Sunshine Dizon na lumipat sa ABS-CBN nang hindi mag-lapse ang kontrata niya sa GMA 7 at hindi na ni-renew. Sa Kapamilya nerwork ay nabigyan si Sunshine ng dalawang project.
Pero hindi nagtagal sa ABS-CBN si Sunshine, bumalik siya Kapuso network. Next month ay magti-taping na sjya ng action-adventure series na Mga Lihim Ni Urduja. Makakasama niya rito ang mga gumanap na Sang’gres sa defunct series ng GMA 7 na Encantadia na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Kylie Padilla.
Si Sanya ang gaganap na Urduja.
Kasama rin sa cast sina Kapuso hunks Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, at Pancho Magno.
Pasok din dito ang veteran actress na si Gina Pareño, ang beauty queen-actress na si Michelle Dee at si Zoren Legaspi.
Sa pagbabalik-GMA ni Sunshine, ilang netizens ang nadismaya sa kanya. Nagpakawala ng masasakit na salita ang mga ito sa aktres.
Pero sinagot sila ni Sunshine. Sabi niya,”Wag pong kuda ng kuda hindi mo alam ang real story. wala akong na burn na bridge.
“I can work with anyone I want to work with. I can also choose not to work kung gusto ko.
“Wag masyadong nag MAMARUNONG. TY”
O di ba, halatang napikon si Sushine sa kanyang bashers?
***
NOONG Martes ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ang bagong talent management na Marikit Artist Management. Kasabay na rin ang pagpapakilala sa kanilang mga talents. Ang isa rito ay ang aspiring actor na si Charles Angeles, 18 years old.
Sa tanong namin kay Charles kung noon pa ba ay pangarap niya na pasukin ang showbiz, ang sagot niya,”Actually, noong bata po ako, hindi ko po talaga plano na mag-acting. Last year po, noong manalo ako sa municipality pageant po namin, doon ko po na-realized na huwag akong matakot na mag-take ng risk or opportunities na darating po sa akin tulad po sa pageant na sinalihan ko, hindi ko nga po inasahan na ako ang mananalo.
“Kaya noong inoperan po ako ng Marikit na maging talent nila, pumayag na po ako. Gusto ko na rin pong i-try ang acting. And willing to learn naman po akong matuto.”
Si Charles ang tinanghal na Mister Cordillera Quezon 2022.
Handa na ba siyang harapin ang intriga ngayong papasukin niya ang showbiz?
“Handa naman po,”sagot niya.
“Since galing po ako sa streaming industry, na covered po ang bashings po talaga na comment ng comment ng hindi magaganda, nasanay na po ako.
“Sinisigurado ko naman po na hindi ako magpapaapekto sa mga bashers o mga intriga.”
Ano ang mga inaasahan niya na magagawa sa kanyang career o plano sa kanya ng Marikit?
“Actually, ang dami kong inaasahan sa kanila. Alam ko naman po na hindi nila mamadaliin yung progress. Pero super thankful po ako sa kanila na binigyan nila ako ng ganitong opportunity.
“Nag-start na naman po ‘yung workshop last year.”
Pangarap ni Charles na makagawa ng serye. At kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto niyang makatrabaho sina Daniel Padilla, Seth Fedelin, Joshua Garcia at Francine Diaz.
Bukod kay Charles, ang ilan pa sa mga alaga ng Marikit ay sina Barbara Miguel, Kyle Ocampo, Angelika Santiago, Jeremy Luiz at Masculados composed of Robin Robel, Nico Cordova, David Karell, Enrico Mofar, Orlando Sol at Richard Yumul.