Advertisers

Advertisers

Kapuso at Kapamilya sanib-pwersa…Pagsasama-sama sa serye nina Jodi, Richard, Gabbi at Joshua, kaabang-abang; Kuya Boy naiiba talaga ang show

0 264

Advertisers

Ni WENDELL ALVAREZ

NAPANOOD namin ang bagong show ng ‘King of Talk’ Kuya Boy Abunda, over GMA Channel 7 entitled “Fast Talk”.
Nag-premiere ito last January 23, taong kasalukuyan. Unang guest niya ang Primetime Queen of GMA na si Marian Rivera, kung saan nai-test niya kung gaano ito kabilis sumagot sa Q & A in 2mins. At nasagot niya lahat ha inpernes.
Pinaghandaan talaga ng Kapuso network ang pagbabalik ni Kuya Boy, pati set napakaganda na talagang hindi ka aantukin, di tulad sa sinasabi ng mga intrigera nakakaantok daw ang show.
Paano ka aantukin eh, 20mins lang naman ang takbo ng show at sa ganda ba naman ni Marian aantukin pa ang telviewers? Siyempre hindi noh.
Napuna ko lang sa nasabing show walang pinagkaiba sa ginawa niya’ng Fast Talk nuon sa station na nawalang ng prankisa.
Ang pinagkaiba lang siyempre puro taga-GMA ang tini-test niya dahil exclusive ang mga ito. Pero para sa akin maganda naman ang nasabing programa, iba kasi si Kuya Boy mag- deliver ng question. Saka iba pa rin ang telebisyon kumpara sa mga online show.
Sabi nga nila kanya-kanyang hilig lang iyon online man or analog depende iyon sa host at guest kung paano nila pagandahin ang show para makakuha ng viewers.
Wala pa naman isang linggo ang Fast Talk, siguro may pagbabago rin iyon at yun ang abangan natin dahil knowing Kuya Boy magaling iyon mag-isip kung paano pagandahin ang show at tiyak pakikinggan naman siya ng management….Abaw Ah!!!
***
NAG-collab na ang GMA 7 at ang network na nawalan ng prangkisa para sa isang teleserye na pagsasamahan nina Richard Yap Joshua Garcia, Gabbi Garcia and Jodi Sta. Maria.
Ang nasabing teleserye ay mapapanood hindi lang dito sa atin kundi pati rin sa ibang bansa.
Kaya ang sabi nila aabangan daw this 2023 ang makabagong romantic series na mamahalin ng televiewers tulad ng pagmamahal nila sa “Be Careful with My Heart” na pinagbidahan nina Jodi and Richard.
Kakaiba raw ang ginawa nilang partnership na nagsama-sama ang mga executive ng magkabilang panig to sign a contract.
Pero teka di bah nuon nanghihiram ang Kapuso network ng mga artista sa network ito na nawalan ng prangkisa, hindi sila pumayag dahil baka gamitin lang daw para umangat sila sa rating?
Ngayon sila na mismo ang lumalapit para makipag-collab sa GMA, hindi kaya gamitin lang din nila ito kasi nga wala na silang network at gustong maki-payong na lang.
Well, ganuon talaga ang buhay hindi mo masasabi kung kailan ka babagsak, dahil may kasabihan nga ‘walang nananatili sa itaas dahil malakas ang hangin doon’, sa panahon ngayon dapat makisama ka at laging magpakumbaba, manatiling nakaapak sa lupa…..Abaw Ah!!!