Advertisers
SA masinsin na pag-imbestiga ng ‘Special Investigation Task Group Plaza’ sa Davao City sa pagpatay sa model at negosyanteng si Yvonne Chua-Plaza, natukoy ang mastermind ng krimen, si Brigadier General Jesus P. Durante III ng Philippine Army.
Si Durante ay naging Presidential Security Group (PSG) chief ni dating President Rody Duterte, at kasalukuyang commander ng 1001st Infantry Brigade 10ID PA nang mangyari ang pagpaslang kay Plaza.
Ayon sa SITG, nadiskubre nilang si Colonel Michael D. Licyayo, ang deputy commander ng 1001st Infantry Brigade, ang nag-organisa at nagbigay ng pondo para sa pagpatay kay Plaza.
Nabatid na si SSG Delfin L Sialsa, Jr. ang bumaril kay Plaza habang si SSG Adrian N Cachero ang nagsilbing driver ng motorsiklong ginamit nila para sa paglikida sa biktima sa labas ng bahay nito.
Nagsilbi namang backup/lookout sina PFC Rolly Cabal at PFC Romart Longakit.
Samantalang si Noel Japitan, isang sibilyan, ang nag-modify at nag-repaint sa motorsiklong ginamit sa krimen.
Ang dalawang John Does ay mga ‘accessories of the crime’.
Ang motibo sa pagpatay: “Crime of passion”.
Si Yvonne Chua-Plaza ay mayroong romantic relationship kay BGen Durante.
Maaring nagalit si Durante kay Yvonne nang isapubliko ng huli ang kanilang relasyon at inakusahan itong binugbog siya.
Si Durante ay tinanggal nang commander ng 1001st ID ng Army.