Advertisers
DAHIL wala pang napapakulong kahit isang smuggler sa bansa, isusulong ni Senador Cynthia Villar ang pagpalakas pa sa batas laban sa smuggling, na ang large-scale cases ay isang economic sabotage at dapat ‘non-bailable’.
Sa isang media media forum, sinabi ni Villar na ang economic sabotage ay dapat non-bailable offense, kaya dapat ang smugglers ay nakakulong bilang economic saboteurs habang ang kanilang kaso ay nililitis sa korte.
“We should strengthen that law, like large-scale agricultural smuggling, it should be non-bailable… many smuggled products are intercepted but no one goes to jail… they were able to circumvent the law,” sabi ni Villar, ang chairperson ng Senate committees on agriculture, food and agrarian reform and on environment and natural resources.
“We will amend the law, which will provide specific provisions so that it will not be revised in the IRR (implementing rules and regulations),” sabi niya. “We will make the law very strict.”
Sa ilalim ng Republic Act 10845, ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, ang krimen ng large-scale agricultural smuggling bilang economic sabotage ay sangkot ang P1 million halaga ng asukal, mais, karne, poultry, bawang, sibuyas, carrots, isda, mga gulay, at P10 million halaga ng bigas.
Sabi ni Villar, simula nang maupo siyang tserman ng agriculture committee noong 2013, marami nang smugglers ang tinukoy pero wala isa man ang nakulong.
Sa mga pagdinig sa kaso ng smuggling sa bansa, tinukoy ang mga pangalan ng smugglers: Michael Ma, Lujene Ang, Andrew Chang, Beverly Peres, Aaron, Manuel Tan, Leah Cruz, Jun Diamante, Lucio Lim at Gerry Teves.
Sa Senate inquiry naman, binanggit ang mga pangalan ng smuggler ng petroleum products: Don Rabonza, Sonny Qiu, Jackie Chu, Aron Uy, Lindon Tan, Alex Chua, Bogs Violago, Jong Mangundadatu, at Dindon Alahas.
Binanggit din sa Senate inquiry sa agriculture smuggling ang mga pangalang Lea(h) Cruz, Wilson Chua, Tommy Go, George Tan, Manuel Tan, David Tan, Gerry at Paul Teves.
Noong bago matapos ang kanyang termino at bumaba sa puwesto bilang Senate President si Tito Sotto, isinapubliko niya ang pangalan ng smugglers pati mga opisyal ng gobyerno na nagsisilbing protektor ng Customs, pero wala ring nangyari sa kanyang expose.
Ang ilang nabanggit na smugglers ay matagal nang pinangalanan simula panahon ni ex-President Gloria M. Arroyo.