Advertisers

Advertisers

Alden umamin, kapwa niligawan at nasaktan sina Julie Anne at Winwyn; Cassy todo-deny pa rin sa relasyon kay Darren

0 160

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA guesting ni Alden Richards sa Fast Talk with Boy Abunda, nagsalita na ang aktor sa unang pagkakataon, tungkol sa mga babaeng naugnay sa kanya noon.
Inamin niya na muntik nang maging sila nina Winwyn Marquez at Julie Anne San Jose.
“For some reason, because of work,” sinabi ni Alden na dahilan kaya hindi humantong sa relasyon ang pagiging magkaibigan nila ni Winwyn.
Inamin naman ni Alden na siya ang may kasalanan kaya hindi natuloy ang pagkakamabutihan nila ni Julie Anne.
“I decided to mag-focus na lang po talaga sa work. Yun po yung inihingi ko ng sorry sa kanya.
“It’s a long time… a long time of… parang naiwan ko po siya and I’m sure, if she’s watching right now…”
“Sasabihin ko na po… I never told anyone this.
“Yung part po kasi kay Julie Anne, yun po yung parang mabigat.
“When we were doing Sunday Pinasaya, the time that we separated, ang tagal po naming hindi nag-usap. Seven years almost, ganoon po katagal.
“Naniniwala po kasi ako na time heals everything and mahirap po kasing ipilit na gusto mong magkaayos kayo. Pero yung panahon, hindi pa tama, kasi sariwa pa po yung sugat.
“And hindi po natin madidikta sa puso natin kung kailan gagaling yun. It really depends upon the person.”
Nang magkaroon daw ng pagkakataon, kinausap ni Alden si Julie Anne sa isang kuwarto upang humingi ng kapatawaran.
“So Sunday Pinasaya, rehearsal, may green room po tayo sa Studio 7.
“Nung kami pong dalawa na lang sa green room, ni-lock ko po yung pinto.
“And then I talked to her na, ‘I’m really sorry for all what happened. Iniwan kita and there’s no one to blame but me. I was…’
“May term po ako na ginamit… ‘And I am very sorry. Sana mapatawad mo na ako.’
“Okay po siyang kausap, and then, pagkatapos ng usapan, parang may relief po sa kalooban. Na parang for the longest time, iniiwasan ko rin po siya.
“Pero noong nangyari yung moment na yun, may dala pala rin ako.
“Now, we’re very much good friends,” aniya pa.
***
MAGKAIBIGAN nga lang ba sina Cassy Legaspi at Daren Espanto kahit na madalas silang nakikitang magkasama at dinadalaw pa ng huli ang una sa bahay nito?
Maraming nagsasabi na may namumuo nang relasyon sa dalawa, pero ayon kay Cassy nang makausap namin siya sa mediacon ng pelikula nilang Ako Si Ninoy,”Hindi ko ma-explain, e, it’s hard to explain din, e. Pero alam namin ni D na we’re super, super close, we’re very special to each other.
“Parang he’s my best friend, I’m his best friend…”
Dahil consistent na best friends ang sinasabi ni Cassy na relasyon nila ni Darren, bukas ba siya na maaaring mauwi ito sa totohanang relasyon at maging sila sa huli?
“I guess, as of now kasi—legit answer ito as in—I’m very focused sa career ko kasi I feel lang I’m just starting it.
“Ito yung first movie ko, first musical and all of that, so I want to focus sa career ko.
“I wanna build myself first before mag-level up sa ganun. We’re just enjoying each other’s company so much na we don’t wanna think about anything else.”
Aminado naman si Cassy na boyfriend material si Darren.
“I can say yes. Very, very selfless, very caring siya. And he really puts others before himself. That’s what I really like about him.
“And he’s a gentleman too,” paglalarawan ni Cassy sa Kapamilya singer.
Dahil wala pa silang por namal na relasyon, paano kung manligaw si Darren sa iba?
Sagot ni Cassy, “Siguro it’s not really my place to decide kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Gusto ko kung masaya siya, masaya din ako.”