Advertisers

Advertisers

3 PATAY, 4 SUGATAN SA SUMABOG NA GRANADA

0 274

Advertisers

TATLO ang patay at apat ang sugatan kabilang ang itinuturong salarin sa pagsabog ng granada sa Barangay. 8, Cavite City.

Naisugod pa sa pagamutan, Divine Grace Hospital, ang mga biktimang sina Julius Tindoc, Joseph Barrera, Mark Gio Layug at Reymart Patricio subali’t namatay habang ginagamot ang tatlo.

Sa Philippine General Hospital dinala sina Erickson Valenzuela at Alejandro Dizon habang sa Cavite Medical Hospital naman isinugod si Arjay Camacho na itinurong salarin sa pagsabog.



Base sa report ni Police SMSgt. Jonathan Baclas ng Cavite City CPS, 11:58 ng gabi nang maganap ang insidente sa Benitez St., Barangay 8, kungsaan dalawang grupo ng mga kabataan ang pinagmulan ng awayan hanggang sa nagkaroon ng batuhan at habulan sa magkabilang panig na umabot sa Barangay 11.

Nang dumating ang mga barangay tanod, nakita nila ang isang lalaki na kasama sa grupo na may hawak na granada at nakapasok ang kamay nito sa firing pin.

Kinausap at diniplomasya ang lalaki na may hawak na granada ng humabol sa kanya, subali’t nagbanta itong tatanggalin nito ang pin.

Sa gitna ng pag-aagawan, natanggal ni Camacho ang pin ng granada at sumabog, dahilan ng pagkamatay ng tatlo at pagkakasugat ng apat kabilang ang may hawak ng granada.

Hawak na ng City Social Welfare & Development (CSWD) ang isang minor habang naka-hospital arrest si Camacho. (Irine Gascon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">