Advertisers

Advertisers

Titser nagpakain ng basura sa mga estudyante kulong ng 4 years

0 275

Advertisers

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang naging hatol ng Court of Appeals (CA) laban sa isang guro na ‘guilty’ sa ‘child abuse’ nang pakainin ng mga piraso ng basura ang ilan niyang estudyante.

Sa apat na pahinang notice ng SC nitong Enero 22, tinanggihan ng korte ang petisyon ng guro na si Melany Garin at pinagtibay ang hatol ng CA na makulong ng mula 4 taon hanggang 6 taon.

Nahatulan si Garin ng mababang korte na guilty sa child abuse nang puwersahan niyang pakainin ang ilan niyang estudyante ng mga piraso ng basura tulad ng papel, lapis, at balat ng kendi mula sa basurahan.



Dinagdagan pa ng SC ang hatol, pinagmumulta si Garin ng P20,000 moral damages, P20,000 exemplary damages, P20,000 temperate damages at P15,000 fine.

Ikinatwiran ng korte na walang duda nagtanggal sa dignidad at halaga ng mga bata ang akto ng pagpapakain ng basura sa mga mag-aaral.

Dumanas pa ang isang estudyante ng lead poisoning.