Advertisers

Advertisers

‘No mercy’ sa lahat ng empleyadong sangkot sa Human Trafficking – BI Comm. Tansingco

0 188

Advertisers

NANGAKO si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ng ‘no mercy’ o hindi siya magbibigay ng awa sa sinumang empleyado na masasangkot sa human trafficking activities.

Sa isinagawang Senate hearing ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender na pinamununuan ni Senator Risa Hontiveros, ibinunyag ni Tansingco na may sinibak na silang opisyal ng ahensya na nag-approved ng pag-alis ng tatlong biktima.

Ayon sa mga biktima, ang kanilang recruiter ay nakipagsabwatan sa nasabing immigration officer na siyang nag-approve ng kanilang pag-alis kapalit ng salapi.



Sinabi ni Tansingco na hindi hihinto ang kanyang tanggapan hanggat hindi natatanggal ang mga tiwaling opisyal na ito.

“We will not tolerate any such misdemeanor amongst our ranks. We are one with Senator Hontiveros in her goal to rid the country of this societal ill,” sabi ni Tansingco.

“The fight against trafficking is a huge undertaking, and we have long been raising that this should be tackled using a whole-of-government approach. We have to take it from its roots, and pull out this weed that destroys lives of our kababayan,” dagdag pa nito.

Sa nasabing hearing, ibinunyag ng mga biktima ang iba’t-ibang modus operandi na ginagawa ng mga traffickers para maiwasan lang ang mahigpit na immigration inspection. Sinabi pa ng mga ito na gumagamit sila ng fake airport passes at fake immigration stamps, transiting via third countries, at bibiyahe gamit ang backdoor channels papunta sa iba’t-ibang Asian countries para magtrabaho sa mga crypto scam syndicates.

Hinalintulad ni Tansingco ang trafficking operations sa isang running water. “Ang modus ng mga ito parang tubig. Kapag hinigpitan mo, maghahanap at maghahanap ng butas para doon lumabas,” pahayag nito.



Nanawagan si Tansingco sa iba pang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa trafficking na magtulong-tulong para makilala, madakip at masampahan ng kaso ang mga illegal recruiters na nagsasamantala sa kahinaan ng mga Pilipinong gustong makahanap ng trabaho. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)