Advertisers
PINAG-IISIPAN ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magbigay ng mga diskuwento sa mga pamasahe sa mga manananakay ng EDSA bus Carousel.
Ang nasabing hakbang ay isa sa mga nakalinyang options sa halip na ang pagbabalik ng libreng sakay sa mga EDSA bus carousel.
Ayon kay DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor, kanilang tinitignan ang mga makapagbigay ng subsidiya at mga diskuwento sa mga pasahero.
Isinangguni na rin nila ang plano sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Matatandaang inamin ng Mega Manila Consortium Corporation (MMCC) isa sa dalawang grupo na nagpapatakbo ng EDSA Bus Carousel na nabawasan ng 20 porsyento ang mga pasahero mula ng magsimula silang maningil ng pamasahe nitong Enero 1.