Advertisers
Mariing sinusuportahan ng pamunuan ng Angkas ang pahayag ni House Transportation Committee chairman at Antipolo City second district Rep. Romeo Acop na dapat mabusisi ng tamang lupon ang reklamo sa overcharging na naireklamo laban dito ng Coalition of Filipino Commuters .
Unang tinanong si Acop kung ano ang pananaw nito hinggil sa naturang reklamo.
Anya ang CFC ay may karapatan na magsampa ng reklamo sa sinumang maling service providers. Oras anya na maisampa ang kaso ay dapat na maimbestigahan ito ng tamang lupon.
Sinabi ni Angkas Chief Executive Officer (CEO) George Royeca na suportado niya ang pahayag ni Rep Acop at bukas sila na sagutin ang anumang mga katanungan laban sa mga drivers nito.
Nagreklamo ang CFC sa Angkas sa Land Transportation Office (LTO) dahilan sa umanoy pagkabigo nitong pigilan ang abusadong riders na nagsasagawa ng overcharging sa mga customers noong panahon ng kapaskuhan.
Binigyang diin ni Royeca na bilang katuwang sila ng pamahalaan sa pagkakaloob ng ligtas at maaasahang motorcycle taxi ride-hailing service ay patuloy nilang pinalalakas ang propesyonalismo sa kanilang operasyon at sa kanilang riders.
Katuwang ng Angkas ang Technical Education Skills Development Authority (TESDA) sa pagkakaloob ng mahusay na pagsasanay upang ganap na makapag serbisyo ng maayos sa mga customers at professionalism.Kasama ng Tesda ang MMDA para matiyak na may mahusay na training ang mga riders habang nas alansangan.
“The Angkas thrust is professionalizing the MC Taxi industry. This is the reason why Ankas was created. Angkas offers a professional and continuous transport services as Moto Taxi (MT) and is committed to help improve the economy of Cebu and the whole country in any way we could,” dagdag ni Royeca.
Ang mahusay na serbisyo ng Angkas ay hindi lamang sa Metro Manila kundi sa ibat ibang bahagi ng bansa na nangangailangan ng alternatibong sasakyan na maaasahan na may mahusay na pagseserbisyo sa kanilang mananakay.
Ang Angkas ang nagkaloob ng free riders sa libong festival goers at devotees ng Sto. Nino sa nagdaang Sinulog Festival sa Cebu.