Advertisers

Advertisers

LIBRENG SAKAY IBABALIK NI PBBM

0 195

Advertisers

HUWAG tayong gaano malungkot kung sa ating pagsakay sa EDSA Bus Carousel system, ay nagbabayad na tayo. Konting tiis lang at babalik rin ang libreng sakay na ito.

Ito ay dahil nakita na ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) ang problema noon pa, at dumiskarte na siya nang pinirmahan niya ang budget para sa 2023. Ipinasama kasi ni PBBM ang P1.285 billion para mapagana muli ang Service Contracting program sa ilalim ng budget sa Department of Transportation para sa 2023.

Ito ay nakasaad na din Republic Act No. 11936, o Fiscal Year (FY) 2023 General Appropriations Act, na kanyang pinirmahan.



So, may pondo na talaga para maipagpatuloy ang programang “Libreng Sakay” na naitigil na noong January 1, 2023.

Isa ito sa pinaka-diskarte ni PBBM sa patuloy na pagsirit ng mga presyo ng bilihin kabilang na ang pasahe.

Malaking tulong naman talaga sa ating mga kababayan ang Libreng Sakay. Ang tipid-pasahe nilang nasusubi araw-araw ay nailalaan nila sa ibang pangangailangan.

Yan din ang dahilan ni PBBM nang ipag-utos niya ang pagsisimula ng paghuhukay para sa Metro Manila Subway Project (MMPS), ang kauna-unahan sa bansa.

Ito naman ay para sa mga susunod na panahon at henerasyon, dahil nakikita ni PBBM na kailanganing pagaanin ang buhay ng bawat Filipino.



Kapag natapos ito, marahil ay sa 2028, ang huling taon ng panunungkulan ni PBBM, ang biyahe mula sa Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay 35 minutes na lang.

Isa ito sa naipangako ng Pangulo na ipagpatuloy ang mga naiplanong mga proyekto ng mga naunang Presidente sa kanya.

At alam niyo ba? Ang Metro Manila subway na ito ay naiplano at naiprograma na noon pang 1973, panahon pa ng pumanaw na ama ni PBBM, na minabuting unahin muna ang Light Rail Transit (LRT) noong 1977. Itinulak din na matuloy na ito sa ilalim ng Administrasyon ni PiNoy ngunit di rin umusad. At noong 2017 ang project ay naaprubahan na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya konting tiis lang mga kababayan ko, giginhawa rin tayo.