Advertisers
Tinalakay sa programa nating OKS noong Lunes nina Atty Aleta Tolentino ng The CSO Guild (TSO) at sportswriter Lito Cinco ang paksa na kung gintong panahon ba ng Ph sports ang martial law era o ginamit lang ito ng gobyerno para sa imaging. Pagpapatuloy ito ng serye natin sa palatuntunan hinggil sa mga taon ng diktadurya.
Sinubukan naming tatlo na sagutin ang tanong at ang naging konklusyon ay oo nguni’t sa aspeto lang ng track and field. Nagbigay ang ML era sa atin ng mga pangalang Lydia de Vega, Isidro del Prado at Elma Muros na pawang nasa ilalim ng Gintong Alay ni Michael Keon na pamangkin ng dating diktador. Mga nag-uwi ang mga iyan sa atin ng mga gold, silver at bronze na mga karangalan sa Asian level. Pero sa iba pang larangan maliban sa chess (Eugene Torre) at bowling (Paeng Nepomuceno at Bong Coo) ay wala naman lumutang na mga atleta na nasa kalibre nila na natulungan ng malaki ng pamahalaan.
Yung Ali-Frazier na laban at ang PBA na bagama’t sports events ay strictly entertainment. Masasabi rin na pampaganda lang ng imahe ng bansa ang Thrilla in Manila. Ang pro league naman ay pang-aliw sa tao upang makaimutan ang hirap ng buhay.
Sayang na wala si broadcaster-professor Sev Sarmenta noong episode na iyon dahil sumama ang pakiramdam at namatayan pa ng biyenan. Tiyak mahalaga rin ang opinyon na bibitiwan ng PBA announcer at Ateneo teacher.
***
LeBron Countdown. 284 na puntos na lang kailangan ni LeBron James upang malagpasan ang all -time scoring record sa NB A ni Kareem Abdul Jabbar. Numero uno pa si Jabbar ngayon na may 38, 387 na markers.
Oo Nomer, sa average ni King James na 27 pts/game ay inaasahan na sa loob ng 10 -11 na laro ay magagawa niya ito sa buwan ng Pebrero. Lapit na ang 38, 288 ni LBJ.
***
May alok na ba si Topex Robinson sa DLSU o inisip lang niya lalapit ang mga offer kapag nabalitaan na wala na siya sa Phoenix?
Ayon kay Tata Selo ay calculated risk ang naging desisyon ni Robinson na huwag magpalawig ng kontrata sa prangkisa ni Dennis Uy.
Pakiwari ni Tatang ay mayroon na raw paunang usapan pero wala pang kasunduan sa Green Archers. Ang sweldo naman daw ay hindi nagkakalayo. Gusto ng dating Stag ang maikumpara ito sa iba.
Ang tawag daw diyan sa hakbang na yan ay one step backwards, two steps forward.
Panilawala ni Coach Topex ay magiging mas malakas line-up sa mga taga- Taft kaysa sa kanyang ex- PB A team kaya mas may pag,asa magkampeon.
Oo nga naman kapag matagumpay siya sa UAAP ay tiyak madali naman siya makakabalik sa PBA.