Advertisers

Advertisers

ASAWA NG MAGSASAKA SA PANGASINAN NA NAGPAKAMATAY DAHIL SA MALAKING LUGI SA SIBUYAS, HINA-HARASS UMANO NG BAYAMBANG PULIS?

0 219

Advertisers

Iginiit ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila kailanman kukunsintihin ang pang-aabuso.

Ito ay makaraang lumabas ang ulat ng umano’y pangha-harass ng mga tauhan ng Bayambang Municipal Police Station kay Merlita Gallardo na tumestigo sa pagdinig sa Senado hinggil sa mataas na presyo ng sibuyas.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Red Maranan, nananatiling tapat sa sinumpaang tungkulin ang Pambansang Pulisya na protektahan ang taumbayan.



Aniya, saka-sakali mang totoo ang ulat, gagawa sila ng hakbang upang ito ay maituwid at papanagutin ang may sala pagkatapos dumaan sa tamang proseso at imbestigasyon.

Matatandaang sa report ni Pangasinan Police Provincial Director PCol. Jeff Fanged, hindi nito itinangging may nagtungo nga sa tahanan ng mga Gallardo na mga tauhan ng Bayambang PNP.

Pero ito aniya ay pagtalima lamang sa direktiba ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Virgilio Sison na alamin ang detalye sa pagkamatay sa asawa ni Gng. Gallardo dahil umano sa pagkalugi sa pagtatanim ng sibuyas.

Samantala iginiit ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang pangangailangan na mapatawan na ng buwis ang mga pinakamamayaman sa pagkalugi sa inaaning sibuyas kaya nabaon at hindi nakabayad sa utang.sa bansa kasama na ang mga mapagsamantalang negosyante.

Mensahe ito ni Castro makaraang magpakamatay ang isang magsasaka ng sibuyas sa Bayambang, Pangasinan dahil



Ayon kay Castro, Nakakalungkot at nakakagalit na dahil sa pagkalubog sa utang ay nagpapakamatay na ang ating mga magsasaka ng sibuyas samantalang binabarat ang kanilang mga produkto at binebenta sa napakataas na halaga sa mga palengke.

Punto ni Castro, ang mga magsasaka ang nagpakapagod pero iba ang kumikita tapos ayaw pa ng pamahalaang Marcos na buwisan ang mga napakamayayaman sa bansa tulad ng mga trader na nagsasamantala sa mga magsisibuyas.

Bunod nito ay hiniling ni Castro sa gobyerno na tulungan ang mga magsasaka at papanagutin at kasuhan ng economic sabotage ang mga traders at kanilang protektor na nasa likod ng cartel ng sibuyas at iba pang produktong agrikultura.

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:30am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.