Advertisers

Advertisers

Toni at pulitikong mister ni Alex, apektado sa pambabastos isyu sa waiter

0 150

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

KUNG trending ang pag-uusapan hanggang ngayon ay topic pa rin ang pamamahid ng icing cake ni Alex Gonzaga sa isang waiter.
Lahat na nga ay napakomento at nabastusan kahit ang ilang kilalang personalidad sa ginawa ni Alex
Sa kabila ng pag-ingay ng isyu ay nagsalita na si Alex na close daw sa kanilang family ang waiter.
Humingi na rin ito ng sorry sa lahat ng mga di nagustuhan sa kanyang pamamahid ng cake icing sa waiter.
Sa kabila ng pagsabi na close sa kanilang family ang waiter tumatak na sa isipan ang pamamahiya at pambabastos ni Alex sa nasabing waiter.
Nag-agam agam ang netizens na baka raw maapektuhan ang concert ng sissy ni Alex na si Toni Gonzaga dahil sa viral video na birthday ni Alex.
Kahit nga ang political career ni Mikee Morada sa Batangas ay madamay na rin dahil sa trending video ng misis.
Mapapansin naman ang pagbati nina Mikee at asawa nitong si Alex na magkasama sa tarp.
Ang napansin ng netizens ay all caps ng GOB sa Christmas greeting ng mag-asawa.
Mukhang may pahiwatig na tatakbo ang mister ni Alex sa mataas na posisyon sa 2025.
Wish ng netizens na huwag idamay ang concert ng kanyang Ate Toni at karera ng mister sa pulitika.
Hmmmp!?
***
Pokwang nag-init ang ulo sa nam-bash sa anak na si Malia
SA nakaraang birthday ng limang taon na anak ni Pokwang sa ex partner na si Lee O Brian na si Malia ay ibinahagi nito ang larawan ng anak.
Binati naman ng kanyang mga magulang ang unica hija sa birthday nito.
Pero sadya yatang may ilang netizens na di mapigil na mang bash or i-bash ang paslit.
Napukaw ang pansin ng netizen sa isang larawan ni Malia at nakitang gulu-gulo at walang suklay ang mahabang hair.
Dapat daw kapag bagets pa ay pinagugupitan ng maikli at di sabog sabog ang buhok na walang suklay sey ng basher.
Ura-urada naman sa IG ay hinambalos ng soplang sagot ni Pokwang ang basher.
“Kahit wala naman suklay ang anak ko maganda ‘yan at wala ka nang pakialam!” resbak ng host ng TiktokClock.
Kahit ang mga netizen ay di pinalagpas ang pamba-bash sa bagets huwag daw pati bata na walang kalaban laban ayon pa sa netizens na nagtanggol sa anak ni Pokie.
Well, well, well… ‘Yun na!