Advertisers
Ni WALLY PERALTA
OPEN knowledge na sa publiko kahit wala pang opisyal na pag-amin mula kina Ruru Madrid at Bianca Umali na may relasyon na sila.
Hindi man sa salita nila ginagawa pero pag magkasama ang dalawa on and off camera ay makikita ang sweetness nila sa isa’t isa. And for the first time ay pagsasamahin ang dalawa sa bagong serye ng GMA 7, ang “The Write One”, ang unang collab ng GMA at Viu na ipo-produce ng GMA Public Affairs.
Kasama rin sa cast sina Paul Salas, Mikee Quintos, Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Yvette Sanchez, Kaloy Tingcungco, Royce Cabrera, Kokoy de Santos, Mon Confiado, Alma Concepcion, Art Acuna, Analyn Barro, at Euwenn Mikael.
Inamin ni Bianca na naninibago siyang unang beses niyang makakatrabaho si Ruru.
“Sanay kami na na kaming dalawa ang pahingahan ng isa’t isa eh. Hindi kami sanay na kaming dalawa ‘yung trabaho ng isa’t isa, and things are gonna change,” sabi ni Bianca.
Ang isa pa sa pakakaabangan sa naturang serye ay ang masasabing balik-tambalan nina Lotlot at Ramon Christopher, na isa sa pinakasikat na loveteam noong dekada 80. Matagal-tagal na rin ang lumipas nang huling magsama bilang loveteam ang dating mag-asawang Lolot at Monching.
***
ISANG bemedalled swimmer at triathlon na atleta si Clifford Pusing, nang sumabak siya agad sa showbiz. Unang naging proyekto niya ay isang Boys Love team movie last 2020, ang ‘Sakristan’ na nasabak siya sa mainit na eksena sa kapwa niya aktor. After 2 years ay muling naging aktibo si Clifford sa showbiz and by this time ay launching movie na niya together with Vivamax newest bombshell na sina Franki Russell at Yen Durano, ang “Tag-Init” streaming this January 20 in all Vivamax apps.
Ano naman kaya ang kaibahan para kay Clifford nang una niyang pelikula sa movie niya ngayon with Franki and Yen?
“Sobrang happy ako kasi naidirek ako ng respetadong director na si Jose Javier Reyes.
“Doon po sa ‘Sakristan’ kailangang mag-adjust kasi lalaki po ang kasama ko sa eksena. Dito po sa ‘Tag-init’, no adjustment needed,” say ni Clifford.
Hiwalay na ang mga magulang ni Clifford at ang ama ang kanyang kasa-kasama sa buhay. Supportive naman kaya ang erpat ni Clifford sa pinasok na bagong karir, ang pagpapa-sexy?
“Basta kailangan talaga ng role at required sa story, okay lang po sa akin. Maski sa father ko at sa mga pinsan ko, very supportive sila sa pagpasok kong itong sa showbiz,” say pa rin ni Clifford.