Advertisers

Advertisers

Lalaki ginawang punching bag ang nagpakain ng sili sa alagang pusa

0 165

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki nang bugbugin nito ang nagpakain ng sili sa alaga nitong pusa sa Barangay Sabang, Lipa City, Batangas noong Sabado.

Kinilala ang inaresto na si Reynan Gonatice, may-ari ng inabusong pusa; at ang biktima ay nakilalang Zyren Carreon.

Isinugod sa Lipa City District Hospital si Carreon na halos hindi makagulapay sa tindi ng tinamong pambubugbog ni Gonatice sa kanya.



Sa ulat ng Batangas Police, nag-ugat ang insidente nang malaman ni Gonatice na pinakain ni Carreon ng sili ang kaniyang alagang pusa 12:00 ng madaling araw sa City Park Subdivision, Brgy. Sabang.

Inireklamo ng pamilya ni Carreon si Gonatice sa himpilan ng pulisya. Inaresto ang huli 9:30 ng umaga.

Sa himpilan ng pulisya, ikinatwiran ni Gonatice na nagawa iyang bugbugin ang biktima dahil sa pag-abuso sa kaniyang alagang hayop.