Advertisers
SWAK sa kulungan ang isang binata nang pasukin at molestiyahin ang menor-de-edad na babae habang natutulog katabi ang kanyang ina sa loob ng bahay sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas Police chief, Colonel Dexter Ollaging, ang naaresto na si Mark Rudolf Tumandao, 25 anyos, ng Espada St., Brgy. NBBS Kaunlaran, na inireklamo ng ‘Acts of lasciviousness’.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas Police, habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. NBBS Kaunlaran ang dalagita, kasama ang ina 4:40 ng umaga nang pasukin nni Tumandao at minolestiya ito.
Gayunman, nang maramdaman ng biktima na may humahaplos sa kanyang dibdib, nagising ito at nakita niya si Tumandao na agad namang lumabas ng bahay nang mapansin na nagising ang biktima.
Ginising ng biktima ang kanyang ina at sinabi ang ginawa sa kanya ni Tumandao. Humingi ng tulong ang mag-ina sa mga tanod ng Brgy. NBBS Kaunlaran at naaresto si Tumandao.