Advertisers
NASAWI ang 17-anyos na rider at angkas nito nang matumba ang sinasakyang motorsiklo nang mag-alangan umanong mag-ovetake sa sinusundang sasakyan at masalpok ng isang truck sa San Jose, Batangas.
Sa ulat, nangyari ang trahediya Miyerkules ng hapon habang papauwi na ang mga biktima.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dumalas ang motorsiklo ng mga biktima nang mag-alangan daw ang rider sa gagawing pag-overtake sa sinusundang sasakyan.
“Nag-slide siya, nag-alangan siya sa manibela ng motor, nag-slide siya. So natumba, paparating yung truck doon sila nasalpok,” ayon kay Major Hazel Suarez, hepe ng San Jose Police Station.
Sa lakas ng pagkakabangga, nasira ang helmet na suot ng rider na kaagad nasawi. Naisugod naman sa ospital ang kaniyang angkas pero binawian din ng buhay.
Ayon kay Suarez, walang helmet ang angkas habang wala namang lisensya o student permit ang menor de edad na rider.
Nasa kostudiya naman ng pulisya ang driver ng truck na maghahatid sana ng produktong mga itlog nang mangyari ang sakuna.