Advertisers

Advertisers

Pulis isinauli ang P15K na aksidente naipadala sa Gcash

0 109

Advertisers

AKSIDENTENG nai-send ng isang babae mula sa Quezon City ang P15,000 sa GCash account ng isang pulis sa Batanes.

Hindi naman nagdalawang isip si Staff Sergeant Anselmo H. Gari, Jr. ng Sabtang Police Station na ibalik ang P15,000 GCash na aksidenteng naipadala sa kaniya Enero 5.

Akala niya noong una, regalo ito sa kaniya para sa Bagong Taon nguni’t kalauna’y nakatanggap siya ng text message na pinababalik ang pera.



Alam niyang pinaghirapan ang pera kaya naman agad tumawag si SSgt. Gari para kumpirmahin ang tunay na may-ari, pagkatapos agad niyang ibinalik ang halaga.

Masaya naman si “Rose” na naibalik ang kaniyang pera.