Advertisers
UMABOT sa P22.5M halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska sa isinagawang operasyon ng Bureau of Internal Revenue, Davao Region (BIR-11), nitong Huwebes sa Digos city.
Batay sa report ng BIR special investigator, sinalakay ang isang warehouse sa Barangay Tres de Mayo, Digos City na prente ng mga illegal na kontrabando.
Nakuha ng mga awtoridad sa lugar ang 820 master cases na iba’t ibang klase ng sigarilyo na aabot sa halagang P22.5M.
Napag-alaman na ang bodega, nakapangalan sa isang tao na namatay na hindi na muna pinangalanan para sa gagawin “operation procedures.”
Pinaniniwalaan galing sa bansang Malaysia ang mga kontrabando at posibleng ang anak ng namatay ang managot sa mga illegal na produkto.
Una rito, hinamon ni Digos City Mayor Josef Cagas ang mga awtoridad at iba pang ahensiya na nagpapatupad ng batas na tuluyan tanggalin sa lungsod ang mga smuggler.
Base sa report, na nitong nakalipas na buwan taon 2022 ay talamak smuggling sa lungsod at nanawagan ang alkalde sa mga punong barangay lalo na sa mga coastal barangay na bantayan nang mabuti ang kani-kanilang lugar.
Sinabi pa ng alkalde na madalas ginagamit ng mga smugglers ang bangkang de motor para sa pag deliver ng kanilang mga kontrabando.